Biyernes, Mayo 11, 2012

Kalbaryo sa Kalsada



     Umpisa na naman ng tag-ulan.  Di ko alam kung matutuwa ako sa pagdating ng panahon na ito o hindi.  Masaya ako dahil matatapos na din sa wakas ang panahon ng tag-init. 
     Subalit kung aking iisiping mabuti, umpisa na pala ng aking kalbaryo. Hindi lang ako kundi kaming mga dumadaan sa daang mabako at maputik na “kalsada”.  Makapasnop!!!

 Paggising mo…maliligo ka….magbibihis ng malinis…magpapabango pa minsan…pero teka…para saan pa kung maliligo ka naman ng putik sa daan???  PUTIK na yan!!!!
     Mabuti sana kung kami ay nakasakay sa ‘kotse’ o kaya ‘dyip’, pero hindi, halos lahat sa amin ay nakasakay lamang sa abang motorsiklo.  HAYYY Buhay!!!! Kung mamalasin ka pa, magsslide ka pa.
   Matapos na sana itong kalbayo sa kalsada dulo’t ng mga mapaminsalang EWAN….

Bonzai...Malas nga ba o Swerte

   Sabi nila malas daw ang magkaroon ng isang halaman na di lumalaki at halimbawa na dito ang mga BONZAI...
    Iba-iba talaga ang pananaw ng bawat isa sa atin.  Sa ilan, ang     Bonzai ay simbolo ng di pag-lago, di pag-usbong, di pag-unlad sapagkat kahit ilang taon na ang lumilipas ang Bonzai ay nananatiling maliit...Subali't bakit di natin gawing positibo ang ating mga pananaw sa mga bagay-bagay na ganito.  
     Ang Bonzai ay tutuong di lumalaki at nanatiling maliit, gayunpaman, ito ay nananatiling buhay at matatag.
Ang Bonzai ay patuloy na nabubuhay kahit kakapirasong lupa lamang ang pagtataniman. 
 Nariyan pang lagyan ng mga bato ang mga ugat nito...kahit na sa ganitong kalagayan, patuloy itong nabubuhay at nagbibigay ng kaaya-ayang itsura....para sa akin, ang Bonzai ay sumisimbolo ng KATATAGAN 
at PAG-ASA.  

 
  Sana tayo ganito din.  Sala't man sa maraming bagay, pilitin nating mabuhay, pag-yamanin natin kung anuman ang meron tayo at siguradong lalabas ang tunay nating angking ganda.