Sabi nila malas daw ang magkaroon ng isang halaman na di lumalaki at halimbawa na dito ang mga BONZAI...
Iba-iba talaga ang pananaw ng bawat isa sa atin. Sa ilan, ang Bonzai ay simbolo ng di pag-lago, di pag-usbong, di pag-unlad sapagkat kahit ilang taon na ang lumilipas ang Bonzai ay nananatiling maliit...Subali't bakit di natin gawing positibo ang ating mga pananaw sa mga bagay-bagay na ganito.
Ang Bonzai ay tutuong di lumalaki at nanatiling maliit, gayunpaman, ito ay nananatiling buhay at matatag.
Ang Bonzai ay patuloy na nabubuhay kahit kakapirasong lupa lamang ang pagtataniman.
Nariyan pang lagyan ng mga bato ang mga ugat nito...kahit na sa ganitong kalagayan, patuloy itong nabubuhay at nagbibigay ng kaaya-ayang itsura....para sa akin, ang Bonzai ay sumisimbolo ng KATATAGAN
at PAG-ASA.
Sana tayo ganito din. Sala't man sa maraming bagay, pilitin nating mabuhay, pag-yamanin natin kung anuman ang meron tayo at siguradong lalabas ang tunay nating angking ganda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento