Huwebes, Pebrero 23, 2012

BALIW NA PUSO


Totoo na ang puso ay di pwdeng turuan;
Kung sino ang mamahalin nito ng lubusan;
Pagka't may nararamdaman ito na di kayang unawain;
Kahit gaano pa natin ito isipin;

Di ko akalain na ako'y iibig;
Sa isang taong sa paningin nyo'y di kanais-nais;
Pagkat lahat ng bisyo ay sa kanya nakadikit;
Alak, sugal, pagyoyosi at pambabaeng malupit.

Ano ba itong nararamdaman ko;
Kalukuhan bang maituturing ito?
Bakit kaya ako ay naaakit sa iyo;
Isang lalaki, kung titingnan ko ay negro.

Sa tuwina'y nais kitang pagmasdan;
Lalo na't ika'y dumaraan sa aking harapan;
Pagka't labis na saya ang dulot nito;
Sa tumitibok at umiibig kong puso.

Napakalagkit kung ika'y tumingin;
Pati ang iyong ngiti ay mapang-akit din;
Ang iyong mga kilos mukhang may ibig sabihin;
Tulad na lang ng paglapit mo lagi sa akin.

Ikaw kaya'y nagkakagusto na rin?
Sana ito'y iyong sabihin;
Nais kong marinig sa iyong mga labi;
Na ako ay iyo ring itinatangi.

Hindi mo ba alam na araw at gabi;
Ikaw ay iniisip kong lagi;
Larawan mo'y lagi kong katabi;
At ang mga awit mo ay lagi kong pini "play".

Hanggang kailan kaya ang kahibangan ko sayo;
Habangbuhay kaya ako magpapakaloko;
Sa mga masasayang alaala na ibinahagi mo;
Sabagay ayos lang, pagkat masaya naman ang puso kong baliw sa'yo.

Ang akin ngayong pinapangarap;
Sa altar ika'y makaharap;
Mangangakong magmahalan ng wagas;
At magsasama "till death do us part".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento