Biyernes, Pebrero 17, 2012

Beauty Within Our Reach...

Sa kasalukuyan, maraming tao partikular na sa ating mga kababayan na nagbubuhos ng malaking halaga para lamang makakita ng magagandang tanawin. Sabagay, hindi naman ito masama...ngunit naappreciate nyo na ba kung gaano kaganda ang iyong paligid??? 

Minsan, kailangan lang nating huminto sumandali...tumingala sa langit at buksan ang ating mga mata upang makita natin ng lubos ang biyaya ng kalangitan...libreng magandang tanawin sa ating paligid...

Kinuha ko ang mga larawang ito sa panahong magulong-magulo ang aking isipan.  Naisip ko na kuhanan ng larawan ang kalangitan baka sakaling siya ay may dalang kasagutan sa naguguluhan kong buhay...halos magdidilim na noon...subali't ang larawang nakuha ko ay nagbigay sa akin ng liwanag sa aking nagdidilim na kaisipan.   


Iminulat ako ng mga larawang ito na hindi lahat ng dilim ay puro kapangitan... kasamaan...Minsan kailangang dumilim upang makita at mapagtanto natin ng lubusan kung gaano kaganda ang mundo at ang buhay....




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento