Sabado, Pebrero 18, 2012

Kabundukan....Pano ba kita matutulungan


Araw-araw binabagtas ko ang napakahabang daan papunta sa aking pinagtatrabahuhan at sa tuwina ako'y napapatingin sa napakagandang kabundukan sa aming lugar... 
Ang kabundukan ng Zambales.  The longest mountain range kung tagurian ito.
Noong 1997, inakyat ko ang bundok ng Olongapo City at napakalamig sa tuktok nito. Malayo sa pulosyon. At nito lang nakaraang taon, ang kabundukan naman dito sa Sta. Cruz, Zambales ang pinalad kong marating. Lubos akong humanga sa ganda nito. Punong-puno ito ng mga matatayog na Mindoro Pine Tree.  


Mapapamangha ka sa ganda subali't bilang isang nagmamahal sa kailkasan, ang pagkamangha ko ay napalitan kaagad ng lungkot sapagkat alam ko na ang buhay ng mga punong ito ay di na magtatagal sapagkat ito ay nakatakda ng putulin ng mga nagmamay-ari ng mga minahan.


Sayang...mangilan-ngilan pa lang ang nakakita sa ganda ng ating kabundukan at ito'y kanila ng wawasakin. 

Hindi naman sa ako ay di pabor sa mga mining companies...kailangan din
 naman natin sila para sa pag-unlad ng bansa.....pero sana naman... Wag nating gawing "collateral damage" ang ating kalikasan...sapagkat, aanhin natin ang maunlad na bansa kung sa di kalaunan ang ating bansa mismo ay maglalaho na sa mapa dahil sa ating kapabayaan, kapalaluhan at kasakiman.  Iisa lang ang ating mundo...alagaan at pahalagahan natin ito tulad ng pagpapahalaga natin sa ating buhay.

Tsk...tsk...tsk... Kung pwede lang sanang  makiusap na tigilan na nila ang pagputol sa mga kapunuan, subalit, tila sayang lang din ang mga salitang aking bibitawan dahil tiyak namang di nila ito pakikinggan.
Sadyang nakakapagpabingi ang kalansing ng pera para sa mga ganitong daing.



Hanggan kailan kaya sila titigil? Kailan kaya?? Paano kaya natin maisasalba ang ating kabundukan lalo na ang mga inosenteng puno na nakatanim sa bundok na ito? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento