Ginanap ang special
election dito sa Zambales nito lamang Pebrero 4, 2012 para sa posisyon sa
pagka-kongresista. Gaya ng inaasahan, kaliwa't kanan ang ginawang
pangangampanya ng mga kandidato. Kanya-kanyang istilo ng pangungumbinsi sa tao.
Nariyang sumayaw at kumanta sila. Nariyan din ang pag-aasta bilang isang
pilantropo para lamang makuha ang loob ng mga botante. At higit sa lahat,
nariyan din ang lantarang pamimili ng mga boto. Tsk...tsk...tsk... Bakit ko
kaya alam na may namili ng mga boto? Di po ako isa sa mga ipinagbili ang
karapatang ito kundi ang mga taong nakatanggap ng pera ang siyang nagsasabi
nito.
Talaga bang ito na
ang kalakaran sa ating halalan? Hindi ako nadidismaya sa mga nanalo or sa kahit
sinong kandidato. Dahil bilang isang pulitiko, gagawin siyempre nila ang lahat
ng paraan para manalo. Bagkus, nadidismaya ako sa mga taong ipinagyayabang pa
na sila ay nagbenta ng kanilang boto. Hay naku!!!
Noon, isang
kahihiyan ang tumanggap ng pera kapalit ang boto pero bakit ngayon tila isang
karangalan na ito para sa iba?
Sana mabago na ang
mukha ng eleksyon sa mga susunod na halalan. Sana ang unang titingnan natin ay
kung ano ang plataporma ng isang kandidato. Sana rin lahat ng namumuno sa
barangay ay huwag saklawan o kaya harangin ang karapatan ng bawat isa sa
komunidad na malaman ang plataporma ng bawat kandidato.
At sana pagkatapos
ng halalan... Walang personalan...Magtulungan na lang para sa katahimikan ng bayan...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento